Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Department of Tourism (DOT) dahil sa procurement lapses nito na umabot sa P20.85 million noong 2024.
Batay sa 2024 annual audit report ng COA, hindi umano sinunod ng DOT ang tamang proseso ng Government Procurement Reform Act, na nakaapekto sa transparency at accountability ng mga kontrata.
Ilan sa mga natukoy na problema ay kinabibilangan ng opesina ng ahensiya sa National Capital Region (NCR) kung saan bumili ng airline tickets ang ahensya gamit ang Small Value Procurement sa halip na Direct Retail Purchase ang dapat gamitin, natukoy na umabot sa P661,035.18. ang ginastos ng ahensya sa pagbili ng plane tickets.
Bukod dito nag-approve din ng supplemental agreements ang DOT sa opisina nito sa Cordillera Administrative Region (CAR) na lumampas sa pinahihintulutang 10% increase sa meals para sa training participants
May mga procurement na kulang din umano ang mga dokumento, transaction splitting, pakikipag-usap sa hindi kwalipikadong supplier, at labis na paggastos sa mga training, venue, at vehicle rentals.















