LEILA DE LIMA
Senator Leila De LIma

Matapos ang dalawang taong pagtatago, naaresto rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pamangkin at dating aide ni Sen. Leila De Lima na kasama sa mga sinampahan ng kaso dahil umano sa paglaganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Ang suspek na si Jose Adrian Dera ay humaharap sa dalawang drug cases.

Si Dera na sinasabing kasabwat ng senadora sa pagbebenta ng iligal na droga sa national penitentiary ay naaresto sa Pampanga ayon sa kanyang abogadong si Atty. Raymund Palad.

Inakusahan din noon si Dera ng NBP inmates na sina Hans Tan at Peter Co na responsable sa pag-aresto sa kanilang kaanak dahil drug charges at kinikikilan umano ng milyong halaga ng cash at sasakyan kapalit ng kanyang kalayaan.

Una nang itinanggi ng kampo ni De Lima na pamangkin ng senadora si Dera.

Nakatakda nang dalhin sa NBI headquarters si Dera ngayong araw.