-- Advertisements --

Bumangon sa pagkalugmok ang Los Angeles Clippers sa pamamagitan nang paglampaso sa Minnesota Timberwolves, 124-101.

Una rito, nitong nakalipas na araw lumasap ang Clippers nang matinding pagkatalo nang umabot sa mahigit 50 points ang kalamangan sa kanila ng Dallas.

CLIPPERS 1

Nagpadagdag pa sa masaklap na pagkatalo nang dumanas ng injury si NBA superstar Kawhi Leonard na kanina ay hindi pa rin naglaro sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Bumawi naman ang Clippers sa pangunguna ni Lou Williams na umangat sa double figures kasama na ang 20 points.

Si Paul George ay nag-ambag din ng 18 points.

Sa Timberwolves na meron na ring dalawang panalo at dalawang talo, ay hindi rin naglaro ang kanilang big man na si Karl-Anthony Towns na nagpapagaling pa rin sa napilay sa bahagi ng kaliwang pulsuhan.

Habang abanse na ngayon sa tatlong panalo at isang talo ang Clippers.