Ibinasura ng judge sa Florida ang classified documents case ng Justice Department laban kay dating US President Donald Trump.
Ayon kay Judge Aileen Cannon na kaniyang pinayagan motion na inihain ng kampo ni Trump para ibasura ang federal case.
Isa sa nasabing rason ay nilabag umano ng Justice Department ang pagtatalaga kay Special Prosecutor Jack Smith.
Malinaw aniya na ang ginawa ng Justice Department ay paglabag sa Appointments Clause ng US Constitution.
Una ng naghain ng not guilty plea si Trump sa ilang mga kaso na may kinalaman sa paghawak nito ng mga classified documents kabilang ang pagtatago niya ng mga national defense information.
Maraming mga classified files kasi ang natagpuan sa Mar-a-Lago resort ni Trump sa Florida matapos ang kaniyang termino noong 2021.
Nakasaad sa 93-pahinang desisyon ni Cannon na nakumbinsi ang korte na nilabag ang pagtalaga kay Smith ang nakasaad sa batas ang isa ay ang papel ng kongreo sa pagtalaga ng constitutional officers at ang pagtalaga ng kongreso na naaayon sa batas.