-- Advertisements --

Nilagdaan ni US President Donald Trump ang isang executive order na naglalayong i-reclassify ang marijuana bilang isang “less dangerous drug.”

Ang hakbang na ito ay nagbibigay-daan sa mas marami pang medikal na pananaliksik hinggil sa paggamit ng cannabis at makatutulong upang matukoy ang iba pang posibleng benepisyo nito sa kalusugan.

Ayon kay Trump, marami na raw ang mga taong nananawagan sa kanya na gawin ang naturang hakbang.

“We have people begging for me to do this. People that are in great pain,” ani Trump.

Gayunpaman, nilinaw na ang re-classification ay hindi nangangahulugan na legal na ang paggamit ng marijuana sa bansa.