-- Advertisements --
Iniulat ng British newspaper na naghiwalay na si Fil-Am Singer Olivia Rodrigo at aktor na si Louis Partridge.
Batay sa ulat, dumalo pa aniya si Olivia sa isang party ni Lily Allen sa London at naging emosyonal habang pinag-uusapan ang kanilang hiwalayan.
Ayon pa sa source ng pahayagan naging mahirap ang ilang linggo sa dalawa at dito nga daw ay nagdesisyon sila na maghiwalay pansamantala.
Kilala si Louis bilang isang suportive na kasintahan ni Olivia kung saan sinamahan niya pa ang kasintahan sa Pilipinas para sa kanyang ”Guts” World Tour noong 2024.
Maaalalang naging magkasintahan ang dalawa noong 2023.















