-- Advertisements --
Hindi maitago ni Filipino-American singer-songwriter Olivia Rodrigo ang kasabikan na muling makabisita sa bansa.
Sinabi nito na hindi niya makalimutan ang ginawang konsiyerto niya sa bansa noong nakaraang taon.
Dagdag pa nito na nabitin ang kaniyang bakasyon kaya plano nitong makabalik sa Pilipinas at ikutin ang ilang mga sikat na isla.
Maaring sa susunod na taon matutuloy na ang pag-ikot niya sa mga sikat na beach at isla.
Maraming fans naman ang nagpaabot ng kasabikan na muling makita ang singer.
















