-- Advertisements --

Isasabay ni Filipina-American singer Olivia Rodrigo sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 ang paglabas ng kaniyang bagong ikatlong album.

Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo nito ang nalalapit na paglabas ng album niya na may pamagat na “You Seem Pretty Sad for a girl so in love”.

Dagdag pa nito na labis siyang nasasabik sa mga fans kung saan mayroon na itong pre order.

Nagpahapyaw pa ito sa laman ng nasabing album na kinabibilangan ng love song na may dalang kalungkutan.