-- Advertisements --
Inanunsiyo ng grupong My Chemical Romance ang bagong petsa at detalye ng kanilang konsiyerto sa bansa.
Ayon sa PULP Live na magsisimula ang konsiyerto sa Nobyembre 14 sa Philippine Arena sa Bulacan.
Ang presyo ng tickets ay mula P2,120 hanggang P21,200.
Magugunitang unang itinakda ang show noong Abril 15 pero nagkaroon ng aberya kaya inilipat nila ito sa Nobyembre.
Noong nakaraang taon ay inilabas ng grupo ang deluxe version ng kanilang 2004 album na “Three Cheers for Sweet Revenge”.
Ilan sa mga pinasikat na kanta ng grupo ay ang “Welcome to the Black Parade”, “I Don’t Love You” at “Teenagers”.
















