-- Advertisements --
Masayang ibinalita ng Korean group na BTS na nagdagdag sila ng isa pang araw para sa kanilang “Arirang”world Tour.
Ayon sa promoter nila na gaganapin ito sa Marso 16 sa Philippine Sports Stadium ang parehas na venue ng naunang show nila na naka-schedule ng March 13 at 14.
Magsisimula ang presale ng tickets sa darating na Hunyo 19 habang ang general sales ng tickest ay sa darating na Hunyo 20.
Nagkakahalaga ang pinakamahal na tickets ng P25,000 habang ang pinakamababa ay ang P7,500.
Huling nagsagawa ng concert ang grupo ay noong 2017 subalit bumalik na sa bansa ang mga miyembro na sina J-Hope noong Abril 2025.















