-- Advertisements --
Inanunsiyo ng White House na papalitan na ang pangalan ng Kennedy Center sa Trump-Kennedy Center.
Sinabi ni Press Secretary Karoline Leavitt na pumayag ang board ng Kennedy Center sa pagpapalit ng pangalan ng performing arts center.
Nakakuha ng unaimous voting mula sa board ang pagpapalit ng pangalan sa Trump-Kennedy Center.
Pinuri kasi ng board ang ginawang hakbang ni Trump para maisalba ang gusali.
Ikinagulat naman ni Trump ang nasabing balita dahil hindi niya inaasahan na kikilalanin siya.
Inaasahan na rin ng White House na babatikusin ang nasabing hakbang dahil ang nasabing iconic landmark ay ipinangalan sa mga Kennedy.
















