Inilunsad ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center, katuwang Scam Watch Pilipinas ang ‘Holiday Watch PH 2025’ ngayong araw.
Sa kampanya kontra scam, layon anila rito mapaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa anumang uri ng panloloko lalo pa’t nalalapit na ang panahon ng kapaskuhan.
Partikular na pinag-iingat ang publiko sa labindalawang klasi ng ‘scam’ na siyang kanilang tinawag o tinaguriang ’12 Scams of Christmas’.
Ayon kay CICC Executuve Director Usec. Renato ‘Aboy’ Paraiso, ang kampanyang ito ay nagpapalakas sa mandato ng ahensiya maproteksyon ang publilko sa iba’y ibang uri ng online scam.
Kung kaya’t kahit pa buwan ng Nobyembre pa lamang, naniniwala ang naturang opisyal na napapanahon mapag-usapan na sa kasalukuyan ang patungkol rito.
Bagama’t aminado siyang wala namang naiiba sa inilabas na listahan, aniya’y nababago ito depende sa panahon at prayoridad na tinutukan.
Ngunit kanyang binigyang diin na dapat lamang maging maalam ang mga Pilipino pagdating sa mga ‘scam’ na maaring makapambiktima sa kanila.
Partikular na pinag-iingat ng ahensiya ang publiko sa top 12 scams of Christmas sa Online Shopping Scam, Fake Delivery Scam, Call Scam, Job Scam, Investment Scam, Love Scam, Loan Scam, Impersonation Scam, Travel Scam, Charity Scam, Middleman Scam at Online Gambling Scam.
















