Binabalak na rin ng mga alkalde sa Maynila na kanselahin ang Christmas parties sa kanilang mga local government units.
Ayon kay Metro Manila Council chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, hindi raw dapat gawing prayoridad ang mga ganitong pagtitipon ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa.
Bawat isa aniya ay magkakaroon ng memorandum sa lahat ng kanilang departamento na iwasan ang kahit anong uri ng pagtitipon sa nalalapit na kapaskuhan.
Dagdag pa ng alkalde na kahit luwagan na ang quarantine measures sa kalakhnag Maynila ay lilimitahan pa rin ang mass gatherings.
Bago ito ay una nang ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa lahat ng government offices na kaniyang nasasakupan na wag ituloy ng kanilang Christmas party, bagkus ay i-donate na lamang ang kanilang party funds sa mga taong mas nangangailangan.