Kasalukuyang nasa kostudiya ng United States Immigration and Customs Enforcement (ICE) ang kabuuang 69 Pilipino, batay sa ulat na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo de Vega, kasalukuyang pinoproseso ng ICE ang mga naturang Pinoy na una nang na-aresto sa mga serye ng immigration crackdown na ginagawa ng US government.
Naka-alalay din aniya ang DFA sa mga ito, sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal assistance.
Sa kasalukuyan, wala pa aniyang nangyayaring deportation ngunit wala din sa kanila ang ipinadala sa ibang mga bansa.
Tiniyak naman ng kalihim na mayroong ‘internal arrangement’ sa pagitan ng US at ng Philippine government kung saan ay inaalerto ng pamahalaan ng US ang DFA kung may mga Pinoy na haharap sa legal proceeding.
Sakop din sa naturang kasunduan ang mag Pinoy na mahaharap sa posibleng deportation.
Giit ni De Vega, sa tuwing may maaarestong Pinoy, hindi lamang dahil sa immigration ussues kungdi maging sa criminal cases, iimpormahan ng pamahalaan ng US ang Philippine government.