-- Advertisements --

Nagtungo sa Paris, France si Vice President Sara Duterte bago ang pagtungo nito sa The Hague, Netherlands.

Binati siya ng mga supporters ng pamilya mula sa France at katabing bansa.

Pinuntahan ng Bise President ang mga pagtitipon ng mga supporters sa Trocadero, France ilang metro ang layo nito sa sikat na Eiffel Tower.

Ibinahagi rin ng Bise ang huling kaganapan sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakapiit ngayon sa International Criminal Court.

Magugunitang ipinagtanggol ni Duterte ang puna sa palagiang pagtungo nito sa ibang bansa at sinabing sariling gastos niya ito at hindi ang gobyerno.