-- Advertisements --

Pinapaalalahanan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamahalaan na sa lahat ng oras ang karapatang pantao pagdating sa COVID-19 response.

Sinabi ito ng CHR kasunod na rin nang paglilinaw ng Department of Health (DOH) na ang kanilang “brand agnostic” policy ay para lamang sa announcement ng mga local government units sa specific brands ng COVID-19 vaccine na gagamitin sa iba’t ibang schedule.

Ayon sa CHR, ipinapakita lamang ng posisyon na ito ng DOH ang apat na elements sa right to health ng lahat ng mga indibidwal.

Ang mga ito anila ay ang availability, accessibility, acceptability, at quality.

Hinimok din ng CHR ang pamahalaan na palakasin ang mga hakbang nito sa pagresolba sa mga factors na nagpapalala sa vaccine hesitancy.

Base kasi anila sa survey ng Social Weather Stations, tanging 58% ng mga Pilipino ang kumpuyansa sa COVID-19 vaccine experts ng pamahalaan ang nais na magpabakuna.