Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Pangalawang Pangulo Sara Duterte matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ika-apat na impeachment complaint laban sa kanya.
Pahayag ng Panglawang PAngulo, nagpapasalamat ito sa mga miyembro ng Defense Team na tumindig para sa kaniyang kaso, kahit noong walang ibang handang kumampi sa kanya.
Pinapurihan din niya ang mga Petisyoner ng G.R. No. 278359 dahil sa kanilang tapang na kuwestyunin ang umano’y pang-aabuso ng House of Representatives.
Hindi rin kinalimutan ni Duterte ang mga magulang, mga bata, at mga tahimik na tagasuporta na nagdasal para sa hustisya.
Giit ng Bise Presidente, karapat-dapat ang bansa sa mas mabuting pamumuno at kinakailangang maging matatag laban sa mga lider na inuuna ang pansariling interes. (report by Bombo Jai)