Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa Department of Transportation (DoTr) na payagan na ang mga senior citizens sumakay sa mga trains.

Sinabi ni CHR Focal Commissioner on Ageing and the Human Rights of Older Persons Karen Gomez-Dupin na ang pagbabawal sa mga senior citizens ay isang uri ng discrimination.

Dagdag pa nito na maraming mga may edad na ang lumalabas para bumili ng mga gamot at essentials.

Dumating na kasi sa kaalaman ng CHR na may mga ibang senior citizens ang hindi pinayagang sumakay sa mga train kahit na nasa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region.