-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinatawag na ng konseho ng Cagayan de Oro ang tatlong Chinese mining operators na ilegal ang operasyon sa piling hinterland barangays nitong lungsod.

Ayon kay Kagawad Eric Salcedo, chairman ng environment committee na posibleng magtatakda sila ang committee hearing laban sa tatlong mining operators na palihim ang pagmimina sa kabundukan.

Aniya, nakakatakot para sa seguridad ng mga naninirahan malapit sa minahan ang ilegal na pagmimina at nakasira rin ito sa kalikasan.

Hindi aniya palalampasin ang ilegal na operasyon ng mga foreign miners lalo na’t kinulang sa mga dokumento ang kompanyang nagpapatakbo ng minahan.

Una rito, sumangguni sa konseho ang mga dayuhang minero at humingi ng go signal para sa kanilang gagawong soil exploration.

Nakatakda sanang magpasa ng resolusyon para sa land exploration kasama ang hindi pa pinangalanang chinese mining companya ang konseho subalit nang matukoy na walang permit mula sa DENR-EMB ay kaagad nilang kinansela ang pagopapalabas sa naturang resolusyon.