CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi lamang nagtala ng 10,000 na katao na ang nasawi subalit sobra-sobra pa ang kinaharap na death toll ng Italya dahil sa mabilis na pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-1) sa Europa.
Ito ang isinalaysay sa Bombo Radyo ni Bombo international correspondent Jasmin Arazo na naninirahan na sa Crema City ng Italya kaugnay sa mataas na bilang ng mga Italyanong nasawi dahil sa virus.
Inihayag ni Arazo na marami umano ang namamatay na mga pasyente na hindi na nadala sa pagamutan sapagkat sobra-sobra na ang naka-confine at wala nang paglalagyan.
Ito ang dahilan na personal na tumungo si Chinese Red Cross Vice President Sun Shuopeng para ma-assess ang sitwasyon ng Italya kung saan natuklasan na mina-maliit ng gobyerno ang paglaban sa bayrus kaya marami ang namamatay.
Dagdag ni Arazo na na ini-rekomenda umano ni Shuopeng na sundin ang istrikto na pagpapatupad na lockdown ng China para mapigilan ang pagdami ng mga Italyano na namamatay ng bayrus.
Samantala, dumating na rin ang Russian forces na nagdadala ng medical supplies at kagamitan para magamit malabanan ang coronavirus sa Italya.
Salaysay ni Arazon na tutulong ang Russian forces sa Italian government kung paano mapigil ang bayrus kaya ipinadala sila ni President Vladimir Putin.
Magugunitang sa data mula sa World Health Organization,nasa 97,689 positibong kaso na ang Italya kung saan 10,779 sa mga pasyente ang kompirmadong namamatay.