Ibinunyag ng US na mas pinaigiting ng China ang kanilang military drills sa East Asia bilang banta sa US.

Sinabi ni US Health and Human Services Secretary Alex Azar, isinagawa ng China ang matinding military drill matapos ang pagpapadala ng US ng dalawang eroplanong pang-giyera sa sa dual-carrier exercises sa South China.

Naganap ang nasabing pagpaigiting ng China ng military exercise ng dumalaw si Azar sa Taiwan.

Tinawag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na isang “serious breach” ang ginawang pagdalaw na ito ni Azar sa Taiwan.