-- Advertisements --
Zhao Lijian
Chinese Foreign MInistry spokesperson Zhao Lijian

Mariing itinanggi ng Chinan na may inaresto sila ng mga sundalo ng India.

Sinabi ni Chinese Foreign MInistry spokesperson Zhao Lijian, na walang sundalong India ang kanilang ikinulong.

Reaksyon ito ng China sa napaulat na pinakawalan nila ang 10 sundalong India kung saan isang apat na opisyal ang ikinulong na pinabulaan din ng Indian government.

Magugunitang nasa 20 sundalo ng India ang nasawi sa matapos na makasagupa nila ang China sa pinag-aagawang Galwan Valley border region.

Nagkaroong ng sagupaan ang dalawang bansa ng walang mga armas dahil sa kasunduan noong 1996 na pinagbabawal ang mga armas at pampasabog sa lugar.

-- Advertisement --