-- Advertisements --
chinese ambassador Huang Xilian

Mariing itanggi ng China ang mga alegasyong mayroong Chinese sleepers cell sa Pilipinas.

Sa isang statement ay sinabi ng Embahada ng China sa Pilipinas na walang mga sleeper cells o undercover agents ang China sa ating bansa kasabay ng pagkondena sa umano’y mga walang batayang mga alegasyon at malisyosong pagpapakalat ng umano’y disinformation laban sa kanilang bansa.

Giit ng China, ang lahat ng ito ay pawang mga akusasyon lamang sapagkat palaging sumusunod sa kanilang prinsipiyo ng non-interference pagdatong sa internal affaird ng ibang mga bansa.

Kung maaalala, ang naging pahayag na ito ng Chinese Embassy to the Philippines ay kasunod ng pagkakasiwalat ng umano’y Chinese sleepers cell sa bansa matapos na maaresto ng National Bureau of Investigation ang ilang Chinese nationals at dalawang Pilipinong Security personnel sa Pasig City na nakuhaan din ng matataas na kalibre ng mga armas at ammunition na made in China noong Oktubre 16, 2023, at mga badge na may nakasulat na “blasting team”, “recon team”, “assault team”, at iba pa.

Matatandaan din na una nang sinabi ni PNP chief PGen. Benjamin Acorda JRr. na titiyakin ng Pambansang Pulisya na patuloy angg pakikipag-ugnayan ng kanilang intelligence operatives sa mgga counterpart nito sa iba’t-ibang law enforcemennt agencies upang siguradong mapoprotektahan ang pambansang interes ng Pilipinas.