-- Advertisements --

Nagkasundo ang Russia at China na magtayo ng lunar space station.

Ayon sa China National Space Administration na ito ay bukas sa lahat ng bansa.

Nagsagawa na rin sila ng pirmahan ng kasunduhan sa nasabing proyekto kung saan tiniyak ng dalawang bansa na gagamitin nila ang mga nalalaman nila at karanasan sa space science, research at development.

Sa panig naman ng Russian space agency na Roscosmos na plano ng dalawnag organisasyon na isulong ang kooperasyon sa paggawa ng open-access International Lunar Scientific research station.