-- Advertisements --

Nag-uwi ng 13 medalya ang chess team ng bansa sa 23rd ASEAN+ Age Group Chess Championships na ginanap sa Penang , Malaysia.

Mayroong kabuuang 360 na manlalaromula sa 20 bansa sa Southeast Asia kung saan mayroong limang ginto, apat na silvers at apat na bronze medals ang kanilang naiuwi.

Nanguna sa koponan si International Master (IM) Rico Mascariñas mula Cebu na nagkamit ng dalawang gintong medala.

Habang mayroon isang gintong medalya naman ang nakamit ni IM Efren Bagamasbad at tig-iisa naman ang nakamit nina Grandmaster Rogelio Antonio Jr., IM Angelo Young at Arena Grandmaster Edmundo Gatus.

Silver medal naman ang nakamit nina FIDE Master (FM) Mark Jay Bacojo (under-20), IM Young at GM Antonio (seniors 50), at FM Christian Gian Karlo Arca (under-18).

Bronze medals naman ang nakuha nina WNM Mhage Gerriahlou Sebastian (under-20);girls under-12 team ng WNM Mary Jannele Tan, Thea Grace Clar, at Millery Gen Subia; under-12 team ninan Sebastian Damonsong, Neil Angelo Balines, at Henrick Marello Bolanos; at under-16 trio of John Peter Cabales, Marc Justinn Fua, at Art Noblijas.