-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang Japanese chess association sa kilalang shogi player matapos na batikusin ang panuntunanna nagbabawal sa mga buntis na maglaro sa mga title matches.

Sa ilalim kasi ng larong shogi, isang laro na kahalintulad ng chess, na papalitan ang sinumang manlalaro na nagdadalantao.

Ayon kay Kana Fukuma, ang sikat na shogi player sa Japan na mapipilitan ang mga manlalaro na mamili sa pagkakaroon ng anak o patalasin pa ang kanilang galing sa laro.

Umaasa ito na maikonsidera ng asosayon na ang mga babaeng manlalaro ay mabigyan ng sapat na panahon na magsilang ng hindi natatanggal sa rankings.