-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ang Filipinas womens football team sa nagpapatuloy na 33rd Southeast Asian Games.
Ito ay matapos talunin nila ang Malaysia 6-0 sa laro na ginanap sa IPE Chonburi Stadium sa Thailand.
Unang nakapagtala ng goal si Alexa Pino na sinundan nina Jessika Cowart , Ariana Markey at Anicka Castaneda.
Nagkaroon ng tulong ang pagkapanalo ng defending champion na Vietnam laban sa Myanmar 2-0 dahil kailangan ng Filipinas na makakuha ng tatlong goals para makausad.
Nasa pangalawang puwesto sa Group B ang Filipinas kung saan makakaharap nila sa semifinal round ang Thailand na nangunguna sa Group A.
Gaganapin ang semifinals round sa araw ng linggo.














