-- Advertisements --
image 128

Pinairal na ng National Disaster Risk Reduction Management Council ang Charlie protocol o ang pinakamataas na protrocol nito para sa emergency response sa Bagyong Amang sa mga rehiyon ng 4A, 5, at.

Sinabi ni Asec Diego Mariano, Office of the Civil Defense Information officer, ang Charlie Protocol ay hiwalay pa sa mga alerto itinataas ng kanilang kagawaran tuwing may bagyo.

Sa ilalim nito ay dapat na maya’t maya ay nagpapadala ng advisory at warning ang NDRRMC, at gayundin ang paglalabas ng travel advisory.

Ipinag-uutos din dito ang mahigpit na monitoring sa mga posibleng idulot ng bagyo tulad ng pagbaha, at landslide.

Kasabay ng pagpapagana sa majority ng response clusters ng ahensya.

Samantala, sa abiso pa rin ng National Disaster Risk Reduction Management Council, ay ipinairal naman ang Bravo protocol sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Region 1, 2, at 3.

Habang Alpha protocol naman ang pinapatupad ngayon sa CARAGA region nang dahil pa rin sa bagyong Amang.