Tahasang inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa estado ngayon ng kaguluhan (disarray) ang lehislatura, partikular ang Senado, matapos mabigong magdaos ng mga sesyon dahil sa kawalan ng quorum.
Ayon sa Pangulo, ang nangyayari sa Senado ay kabaligtaran sa hinahangad ng pamahalaan na maghatid ng katatagan upang makapagplano ang mga mamamayan para sa kanilang kinabukasan at umasa sa tulong ng gobyerno sa gitna ng emergency.
“ The best description I can have is that the legislature is now in disarray. But that is exactly the opposite from what we are trying to achieve. We are trying to achieve some form of stability so that people can get on with their lives, so that people can plan ahead for their future, so that people can count on the assistance of government during this time of an emergency. We cannot do that if the legislature decides to stay at home and have a vacation. That is anathema to everything that governance is about,” pahayag ni Pangulong Marcops.
Binigyang-diin ni Pang. Marcos Jr. na hindi makatutulong ang lehislatura kung pipiliin ng mga mambabatas na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan at magbakasyon, na aniya ay labag sa tunay na kahulugan ng pamamahala.
Idinagdag pa ng Pangulo na sa buong buhay niya sa politika ay hindi niya kailanman naisip na sasapitin ito ng Senado, na dati ay itinuturing na isang kagalang-galang (august body) na institusyon sa Pilipinas.
“ I never imagined in my entire life — my entire political life — that such a thing could happen, especially to the august — it’s not longer august now — but to the august body of the Upper House, the Senate and the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos,
















