Bumuwelta si Senate President Alan Peter Cayetano sa hamon ni Sen. Raffy Tulfo na magpakita sa sesyon ng Senado at patunayan ang pagiging “independence” at hindi pagiging duwag.
Sa isang Facebook Live, sinabi ni Cayetano na hindi simpleng usapin ng pagdalo sa sesyon ang isyu, inihalimbawa niya ito sa magsasaka na pinapupunta sa bukid sa gitna ng bagyo o isang sundalong pinapagawa ng “suicide mission.”
“Ang kaduwagan po ay nag-uugat ‘yan sa ano ba ang purpose at trabaho mo,” saad ni Cayetano.
“So ‘yung hamon mo magpakita ako kung hindi duwag, para mo rin sinabi: ‘senator, ikaw maging independent ka kung hindi duwag ka,”
Inakusahan rin ni Cayetano ang kampo ng magkapatid na senador Tulfo at sinabing malapit umano ang mga ito sa Malacañang.
“Eh kung hindi ka lang Tulfo at hindi Tulfo kapatid mong si Erwin, sinumbong ko na kayo kay Tulfo,” ayon kay Cayetano na sumasalim sa programa ni Sen. Raffy.
Pinuna rin ng Senate President ang mga paratang na siya umano ang nasa likod ng pag-patay ng air conditioning at internet sa Senado, na labis na nilalayu na aniya ang tunay na isyu.
Samantala, tiniyak din ni Cayetano na hindi gagamit ng anumang taktika ang majority laban sa minority senators at iginiit niya na magpapatupad siya ng patas na pamumuno sa Senado.
Gayunpaman, sinabi ng Senate President na ang mga kasalukuyang isyu ay pinalalaki lamang umano ng minorya at nagiging personal ang usapin sa halip na pormal na parliamentary matters lamang.
Nag-ugat ang tensyon matapos ang sunod-sunod na pagliban ng plenary sessions dahil sa hindi pagdalo ng majority bloc, na nagresulta sa pagkaantala ng ilang panukalang batas.
Dahil dito, nanawagan na ang minority bloc ng pagbibitiw ni Cayetano, dahil sa umano’y “abandonment of responsibility” at paglabag narin mga patakaran ng Senado.
















