-- Advertisements --

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa Senado sa pagitan nina Senate President Alan Peter Cayetano at DILG Secretary Jonvic Remulla habang isinasagawa ng PNP-CIDG ang pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kasong plunder.

Habang ipinapatupad ang warrant of arrest, iginiit ni Cayetano na dapat igalang ang institusyon ng Senado at payagan si Estrada na lumabas muna bago arestuhin. Ayon sa kanya: “Respect the institution. This is not about Jinggoy. Hindi pa nagiging kaugalian na arestuhin ang isang senador sa loob ng Senado.”

Mariin namang tumutol si Remulla at iginiit na nawala na ang pribilehiyo ng Senado matapos ang insidente ng pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa mula sa protective custody.

Aniya: “Sir, I’m sorry. You lost that privilege when Bato escaped. Tungkulin ng ehekutibo na ipatupad ang warrant kahit sa loob ng Senado.”

Ang pagtatalo ay nagbigay-diin sa masalimuot na usapin ng kapangyarihan sa pagitan ng lehislatura at ehekutibo.

Samantala, nananatiling sentro ng kontrobersiya ang kaso ni Estrada na may kinalaman sa umano’y P573-milyong anomalya sa flood control projects, isang kasong non-bailable na may kaparusahang reclusion perpetua kung mapatunayang guilty.