-- Advertisements --

Kasalukuyan nang pinag-aaralan ng Ehekutibo ang Saligang Batas at lahat ng legal na opsyon upang mahanapan ng solusyon ang krisis sa Senado.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Punong Ehekutibo, siya ay nababahala at nalulungkot sa kawalan ng sesyon at quorum sa Senado, na ayon sa kaniya ay nagiging hadlang sa pagpasa ng mga batas para sa tulong na kailangan ng mamamayan.

Gayunman, binigyang-diin ng Pangulo na kailangan ang kooperasyon at komitment ng pamunuan ng Senado dahil magkapantay (co-equal) ang sangay ng Ehekutibo at Lehislatura, kaya hindi niya maaaring utusan o parusahan ang mga senador.

Idinagdag pa ng Pangulo na tungkulin ng Senado na disiplinahin ang kanilang sarili, ngunit sa ngayon ay bigo silang magampanan nang maayos ang tungkuling ito.

Dagdag pa ng Presidente nakakalungkot tingnan ang sitwasyon sa Senado lalo at kailangan ng bansa ng tulong lalo na ang taumbayan.

“Well, we’e examining all our options. We’re looking at the law, we’re looking at the constitution and to see how we can remedy the situation. But it requires the cooperation and the commitment of the senate leadership to continue with their work  otherwise the executive is co equal only to the legislature. we cannot tell them what to do, we cannot punush them for what they are doing. They have to regulate themselves. And they havent been doing much of a good job right now,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.