-- Advertisements --
Nakalabas na sa Philippine National Police (PNP)General Hospital si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Ito ay matapos na mabigyan na siya ng clearance ng kaniyang doctor na maaari na siyang madischarge.
Nitong araw kasi ng Lunes, matapos na mailabas ang warrant of arrest ng dating kalihim mula sa Sandiganbayan dahil sa kasong plunder ay biglang tumaas ang kaniyang blood pressure kaya dinala ito sa PNP General Hospital.
Pasado ala-una ng hapon naman ng Martes, Hunyo 2 ng makalabas na sa pagamutan ang dating kalihim.
Unang dadalhin ito sa Sandiganbayan para sa return of warrant at maaaring tuloy-tuloy din ang kaniyang pagdalo sa arraignment.















