-- Advertisements --
image 329

Naglabas ng abiso ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na isa na namang Cessna plane ang nawawala matapos itong lumipad mula sa Bicol International Airport nitong Sabado.

Ayon sa CAAP, ang Cessna 340 na may tail number RP-C2080 aircraft ay umalis sa airport bandang alas-6:43 ng umaga.

Huling nagkaroon ng komunikasyon sa Cessna plane bandang alas-6:46 ng umaga sa Camalig, Albay, bago tuluyan itong nawala sa radar.

Nakatakda sanang lumapag ito sa Metro Manila bandang als-7:53 ng umaga.

Ang nasabing nawawalang six-seater aircraft ay may sakay umanong apat na indibidwal, kabilang na ang piloto, isang crew at dalawang pasahero.

Una rito, noon lamang Enero 24, 2023 ay isang Cessna 206 aircraft naman galing sa Isabela naman ang nawala na may sakay anim katao, kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan.