-- Advertisements --

Gayunman, nangailangan pa ang Celtics ng overtime game bago tuluyang masilat ang Bucks para sa kanilang ika-anim na panalo.

Una rito meron na ring anim na talo ang Boston (6-6), habang ang Milwaukee (6-7) ay natikman ang ika-pitong talo.

Nanguna sa opensa ng Celtics si Dennis Schroder na nagtala ng season high na 38 big points at walong rebounds.

Tumulong din naman si Jayson Tatum gamit ang 27 at 11 rebounds para sa kanilang apat na panalo sa huling limang laro.

Sa Bucks naman si Bobby Portis ay umeksena sa kanyang 22 points.

Minalas pa ang team dahil halos isang oras bago ang gametime ay inanunsiyo na hindi makakalaro si Giannis Antetokounmpo.