Kinailangan ng Boston Celtics ng overtime upang tuluyang kalusin ang Orlando Magic, 122-119.

Namayani sa Celtics si Gordon Hayward na nagtapos na may 31 points, siyam na rebounds at limang assists.

Hindi rin nagpaawat sina Jayson Tatum na umiskor ng 29 points, Jaylen Brown na tumabo ng 19 markers at 12 boards, at Brad Wanamaker na may 10.

Nakakandado na sa No. 3 seed ang Boston sa Eastern Conference makaraang magapi ng Toronto ang Memphis.

Sa ngayon, nasa 4-2 na ang kartada ng Celtics sa loob ng bubble.

Nanguna naman sa panig ng Orlando si Nikola Vucevic na nagpamalas ng 26-point, 11-rebound performance.

Bagama’t talo sa tatlong magkakasunod na laro, nakasungkit na ng puwesto sa playoffs ang Magic.