Patuloy pa rin sa pamamayagpag ang Boston Celtics matapos itala ngayon ang ika-11 winning streak nila nang makalusot sa Charlotte Hornets, 90-87.

Ang panibagong panalo ng Celtics ay sa kabila na hindi natapos ni Kyrie Irving ang laro bunsod ng injury.

Nagawa ring mahabol ng Boston ang 12 point deficit sa fourth quarter para ipatikim naman sa Hornets ang ika-apat na sunod-sunod na pagkatalo.

Una rito, si Celtics center Aron Baynes pa ang nakatama kay Irving nang tumama ang siko.

Duguan sa ilong na bumagsak si Irving at inalalayan na lamang palabas ng court.

Nagawa ring malampasan ng Boston ang 12 point deficit sa fourth quarter at ipatikim sa Hornets ang ika-apat na sunod na talo (5-7).

Bumida naman sa panalo ng Celtics na meron nang 11-2 record sina Jayson Tatum na may 16 points at Shane Larkin na nagdagdag ng 16 mula sa bench.