new york
-- Advertisements --

Inabot ng dalawang overtime game bago tuluyang nadispatsa ng New York Knicks ang Boston Celtics sa unang laro nila sa bagong NBA season sa score na 138-134.

Nanguna sa Juluis Randle sa Knicks na kumamada ng 35 points.

Nasayang naman ang naitalang career high ni Jaylen Brown para sa Boston na umabot sa 46 points.

Si Brown ay bago lamang gumaling sa COVID-19.

Bahagya ring inalat ang Celtics star na si Jayson Tatum na nagtapos sa 20 points at 11 rebounds.

-- Advertisement --