Hiniling ni Police Brig. General Debold Sinas, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang pagpatay ng cellphone signals sa ilang lugar na sa pagsisismula ng Traslacion ng Itim na Nazareno.

Nakasaad sa sulat ang pagpatay ng cellphone signal ng Smart at Globe Communications mula 11 p.m. ng Enero 8 hanggang 12 ng tanghali ng Enero 10 sa mga piliing lugar.

-- Advertisement --

Sinulatan na rin ni National Telecommunication Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Corbora ang dalawang major telcos para sa nasabing pagpatay ng signal.

Patuloy pa rin ang panawagan ng PNP sa mga dadalo sa taunang Traslacion na sumunod sa mga ipinapatupad nilang paghihigpit.