Nakalikom ng mahigit P700,000 sa loob lamang ng isang oras ang isinagawang celebrity auction.

Ang nasabing Shop & Share na inorganisa ng mga actress na sina Angel Locsin, Anne Curtis, Bea Alonzo at Dimples Roma ay naglalayon na makalikom ng pondo sa coronavirus mass testing para sa mga mahihirap na komunidad.

Sasagutin aniya ng grupo ang testing kits para sa mga mahihirap na naapektuhan ng coronavirus 2019 pandemic.

Ilan sa mga mabilis na naibenta ay mga mamahaling bags, sapatos at accessories nina Angel at Anne.

Nakatakdang ianunsiyo naman ng grupo ang susunod na batch ng mga gamit na ibebenta.