Sinabi ni Department of Transportation Spokesperson Mon Ilagan na kasabay ng plano na dagdagan ng 50% discount ang mg senior citizens sa LRT at MRT, plano ng ahensya na hanapan ito ng pondo upang maayos itong maimplenta. Samantala, pati rin sa sa paggamit ng 50% discount ng mga estudyante, nais din nilang palawakin pa ang panuntunan nito para mas guminhawa pa ang byahe ng mga komyuter.
Ayon kay Ilagan, kung sakaling maaprubahan na ang 50% discount para sa mga senior citizen, titiyakin ng kagawaran na magkaroon ito ng sapat na budget upang magpatuloy. Aniya, panahon na upang bigyan ng maginhawang byahe ang mga Senior Citizens sa MRT at LRT.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng ahensya ngayon ang pagpapalawak ng paggamit ng 50% discount para sa mga estudyante. Ani ni Ilagan, pinag-aaralan nila sa ngayon kung maaari na rin bang magamit ang naturang promo sa mga stored valued cards o beep cards.
Sa kasalukuyan kasi, sa mga single journey tickets lamang maaaring ma-avail ang discount kaya naman isa sa mga hinaing ng mga mananakay na mag-aaral ay natatagalan sila sa pila ng MRT at LRT.