CEBU CITY – Nagpalabas na ng executive order si Cebu Governor Gwendolyn Garcia kaugnay sa pagpapataw ng ban sa pagpasok sa lalawigan ng mga flights mula Clark International Airport sa Pampanga; Cagayan De Oro City; Dumaguete City; at Legazpi City.

Kasunod na rin ito ng patuloy na banta ng coronavirus disease (COVID-19) kung saan mabilis ang pagtaas ng bilang ng mga positive cases.

Dagadag pa ni Garcia, hindi na rin papayagang makapasok pa ang mga barko at mga land vehicles na magmumula sa nasabing mga lugar.

Epektibo rin kaagad ang inilabas na kautusan ng gobernadora.