duterte address IATF Malacanang

Inilagay pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mas mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City habang mananatili pa rin sa General Community Quarantine ang Metro Manila hanggang July 15.

Sa kaniyang national address nitong Martes ng gabi, kabilang sa GCQ ay ang bahagi ng probinsiya ng Cebu na kinabibilangan ng Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Minglanilla, Consolacion, Metro Manila, Benguet, Cavite, Rizal, Leyte, Ormoc City, Southern Leyte.

Habang nasa Modified General Community Quarantine high risk (MGCQ) ang mga sumusunod; Abra, Baguio City, Ifugao, Kalinga, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Angeles City, Batangas, Laguna, Quezon, Lucena City, Palawan, Puerto Princesa, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City, Capiz, Iloilo, Iloilo City, Negros Occidental, Bacolod City, Rest of Cebu Province, Bohol, Negros Oriental, Tacloban City, Zamboanga City, Bukidnon, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, Davao de Oro, Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Butuan City, Lanao del Sur, Maguindanao.

Habang nasa Low Risk MGCQ naman ang mga natitirang bahagi ng bansa.

Patuloy din ang paalala ng Pangulo sa mamamayan na dapat sundin ang mga ipinapatupad na health protocols gaya ng paghugas ng kamay, pagsuot ng face mask at ang physical distancing para hindi na kumalat pa lalo ang coronavirus.