BAGUIO CITY – Patay ang isang CCTV installer/technician matapos makoryente sa Green Valley Subdivision, Baguio City.

Nakilala itong si Alexander Sultan, 29, residente ng Bascil, Bacnotan, La Union.

Ayon sa pulisya, nag-i-install ang biktima at kasama nito ng CCTV camera sa nasabing subdivision nang mangyari ang aksidente.

Inihagis ng biktima ang isang bato na nabalot ng CCTV wires para sana maikonekta sa connecting post.

Gayunman, nasagi ito sa isang live wire na may 27,000 watts na nagresulta para makoryente ang biktima.

Agad itinakbo ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival.