-- Advertisements --

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Pilipino na huwag lang magpasalamat kundi pangalagaan ang Sierra Madre, ang pinakamahabang kabundukan sa Pilipinas na itinuturing na nagprotekta sa Luzon mula sa bagsik ng Super Typhoon Uwan.

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace, ang tunay na pasasalamat ay nagiging responsibilidad sa pangangalaga ng kalikasan, hindi lang sa pagtulong sa oras ng kalamidad.

Binigyang-diin din ng Obispo na ang kabundukan ay nasisira dahil sa quarrying, illegal logging, at iba pang proyekto, at ang pinsalang ito ay
sumasalamin sa kasakiman at kapabayaan ng tao.

Una na ngang iniulat ng state weather bureau na humina ang ST Uwan nang tumama sa mga kabundukan ng Luzon, kabilang ang Sierra Madre, na muling nagpapatunay sa kahalagahan nito bilang natural na pananggalang ng bansa laban sa bagyo.