espenido
Police Maj. Jovie Espenido

ILOILO CITY – Tutol ang ilang cause oriented groups sa lungsod ng Iloilo sa pag-assign sa Bacolod City Police Office kay Police Lt. Col. Jovie Espenido.

Ayon kay Justin Madriaga, tagapagsalita ng Anak Bayan Panay, sinabi nito na hindi sila pabor na i-assign sa Western Visayas si Espenido dahil nagsisilbi itong “executioner” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ni Madriaga na hindi naman maikakaila na sa mga dating area of assignment ni Espenido, lahat ng mga kilalang durugista ay namamatay kahit na walang due process.

Karamihan sa mga nabiktima ng war on drugs campaign ay ang mga mahihirap na walang kalaban-laban.

Napag-alaman na itinalaga simula Oktubre 16, bilang Deputy City Director for Operations sa Bacolod City Police Office si Espenido.