Catriona with parents

Doble ang saya ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ngayong Mother’s Day.

Ito’y matapos madala na nito ang mga magulang sa New York kung saan naroon ang headquarters ng Miss Universe.

Nag-post ang pang-apat na Pinay Miss Universe ng larawan ng kanyang ama at ina habang sila ay nasa isang lobster marketplace sa New York.

“Pre-Mothers day munches in NYC with my two favourite people in the whole universe. 💙🤗 (Quick note – how beautiful is my mother?!) So happy to finally invite them down to my new home in the big apple. And they agree, best. lobster roll. Ever,” saad ng Bicolana beauty queen.

Nabatid na sa June 9 coronation ng 2019 Binibining Pilipinas ay uuwi uli sa bansa ang 25-year-old Fil-Australian beauty para personal na ipasa ang korona sa magiging susunod na kinatawan ng bansa sa Miss Universe.