Mistulang mas matibay na ang loob ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray kaugnay sa pagkamis nito sa home country.

Pahayag ito ng 25-year-old Bicolana-Australian beauty ngayong siya ay nasa Pilipinas muli para sa isang fast food endorsement.

Ayon kay Gray, naging abala siya sa iba’t ibang charity work sa New York na siyang headquarters ng Miss Universe Organization.

“The last time that I was here in the Philippines, it was the homecoming. It was very emotional for me. I think I cried everday that week. I was so overwhelmed,” saad nito sa pagharap sa media sa Quezon City.

Una nang idinaan ni Gray sa tinatawag na IG story ang “tahimik” na pagbabalik sa Pilipinas.

Samantala, bukas daw ang pang-apat na Pinay Miss Universe na pasukin ang acting career sa takdang panahon.

“I’m open to any opportunity that may come my way. Acting is a field that I have not yet had any experience in but I’m a very eager learner. As for auditioning for a certain role, I would very much be open to it.”

Sa kabilang dako, wala pang “say” kung personal bang ipapasa ni Gray ang kanyang Binibining Pilipinas-Universe crown sa darating na June 9 coronation.