Ibinunyag ng Hollywood actress Cate Blanchett na masuwerteng nalusutan niya matinding aksidente.

Sinabi ng double Oscar winner na muntik ng maputol ang ulo nito dahil sa aksidente sa chainsaw sa southern England.

Naikuwento din nito ang pangyayari habang kausap niya ang dating Australian prime minister Julia Gilard at pinagkuwentuhan ang nagaganap na coronavirus pandemic.

Sinabi nito na bumuti na ang kaniyang kalagayan matapos ang labis na pagkatakot dahil sa insidente kung saan nagtamo lamang ito ng maliit na sugat.

Hindi na rin nito ikinuwento kung ano ang ginagawa niya sa nasabing chainsaw.

Nagwagi ng Oscars awards noong 2005 sa pelikulang “The Aviator” at “Blue Jasmie” noong 2014.