Pinayuhan ni Communications Usec Claire Castro si Vice President Sara Duterte na magbasa ng tunay na balita upang hindi palaging fake news ang nagiging source nito.
Sinabi ni Castro na dapat matuto si VP Sara na magbasa ng tunay na balita para hindi palaging nagiging source ng fake news maliban lang kung sinasadya niya ito para baguhin ang tunay na nangyari para sa kanyang sariling kapakanan.
Pahayag ito ng opisyal kasunod ng sinabi ng ikalawang pangulo na nais ng Marcos Administration na manatili sa kapangyarihan.
Partikular na binanggit ni VP Sara ang People’s Initiative na umano’y isinulong ng pamahalaan.
Ayon kay Usec Castro, puro haka- haka lamang ang pahayag na ito.
Hindi aniya magagawang i-konekta ang People’s Initiative kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo’t ang pangulo na ang nagsabi noon na hindi prayoridad ng administrasyon ang Charter Change.
Una na rin aniyang sinabi ni Pangulong Marcos noon na mas marami pang mahahalagang usapin ang dapat na tutukan ng gobyerno.
Kung tutuusin, ayon kay Castro, sila Senator Robin Padilla at Cong Richard Gomez pa na mga kaalyado ng bise presidente, ang nagsusulong noon ng Charter Change.